Isang magnitude 4.4 earthquake ang yumanig sa katubigan ng Camarines Norte nitong Biyernes ng Hapon, Oktubre 22, ayon Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Natunton ng Phivolvs ang epicenter ng lindol sa 64 kilometers (km) northeast of Tinaga Island, Vinzons, Camarines Norte, ika-1:19 ng hapon.

Mahina lang ang naging pagyanig kung saan naitala ang Intensity III San Vicente at Labo sa Camarines Norte habang “slightly felt” sa Intensity II sa Vinzons, Daet, at Paracle sa parehong probinsya.

“Scarcely susceptible" sa Intensity I naman ang Ginayangan, Quezon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nasukat din ang pagyanig bilang Intensity II sa Mercedes, Camarines Norte at Polillo, Guinayangan, Quezon province; Intensity I sa Daet, Camarines Norte at Iriga City, Camarines Sur.

Tectonic ang ugat ng lindol resulta ng paggalaw ng active fault malapit sa lugar. Gayunpaman, walang inasahang malaking danyos sa mga ari-arian o aftershocks dala ng nasabing lindol.

Ellalyn De Vera-Ruiz