Wala pang inilalabas na warrant of arrest ang La Union Regional Trial Court laban kay Julian Ongpin kaugnay ng kinakaharap na kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa pahayag niDepartment of Justice (DOJ) Undersecretary at spokesperson Emmeline Aglipay-Villar, na-raffle na ang kaso ni Ongpin at hawak na ito niSan Fernando City, La Union Regional Trial Court (RTC) Branch 27 Judge Romeo Agacita.

Sa ngayon aniya, hinihintay na lamang nila ang warrant mula sa hukuman sa ikaaaresto ni Ongpin.

“He is the same judge who issued the provisional hold departure order. As of this morning, a warrant of arrest has yet to be issued. We will secure a copy as soon as it is already available,” aniya.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Kamakailan, inirekomenda ng mga prosecutor ang "no bail" sa kaso ni Ongpin na nag-ugat sa pagkakahuli sa kanya ng 12.6 gramo ng cocaine sa loob ng silid ng isang resort sa San Juan, La Union, noong Setyembre 18.

Sa nasabi ring araw, natagpuang walang malay ang kanyang girlfriend na si Breana "Bree" Jonson sa loob din ng naturang hotel. Namatay sa ospital si Jonson at sinabi ni Ongpin na nagpakamatay umano ito.

Matapos mahulihan ng droga, dinampot si Ongpin, gayunman, pinakawalan ito ng pulisya alinsunod na rin sa kautusan ngOffice of the Provincial Prosecutor ng La Union. Iniutos din ng piskalya na ilipat sa DOJ ang lahat ng dokumento ng kaso sa DOJ.

PNA