Isa sa mga nakikita ngayon sa Facebook ang napakacute na batang lalaki na nakasuot ng uniporme ng isang delivery rider ng isang sikat na delivery app para sa kanyang pre-birthday photoshoot.

Photo courtesy: Cindy Reyes Santos

Ibinahagi ni Cindy Reyes Santos sa kanyang Facebook account noong Lunes, Oktubre 18 ang mga cute na pictures ng kanyang anak na si Kye Santos na nagdiwang ng 1st birthday nitong Huwebes, Oktubre 21.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ayon kay Cindy, hindi sila makakapagbigay ng party para sa kanyang anak dahil kasagsagan pa rin ng pandemya. Gayunman, naisipan niyang magkaroon ng souvenir photos na puwede nilang itago at makita ng kanyang ng anak paglaki nito.

Naisip niya ang concept na magsuot ng uniporme ng isang delivery rider ang kanyang anak upang ma-acknoowledge ang mga riders na nabibiktima ng mga fake bookings.

"Napili ko yung grab kasi gusto ko ma acknowledge mga riders natin na nabibiktima ng fake booking," aniya sa kanyang panayam sa Balita.

Sa bawat picture ng kanyang anak na nakapost sa Facebook, may kaakibat itong mga caption na kung saan ibinabahagi rito ang maikling kwento ng isang delivery rider.

"Kung nabasa nyo mga caption sa bawat picture nya, nilagyan ko talaga ng story yun. Kahit nabibiktima sila ng fake booking, tuloy pa din sila sa pag serbisyo satin, especially sa mga katulad namin na hindi masyado nakakalabas ng bahay dahil sa virus," dagdag pa niya.

May paalala rin si Cindy sa mga nagbo-book ng mga delivery app.

"Hindi dapat sila pinaglalaruan or niloloko," aniya.

Dagdag din ni Cindy, mahilig sumakay sa motor, bike car o ano pang may gulong ang kanyang anak kaya sumakto ito naisip niyang concept.

Matatandaan na maraming mga delivery riders ang nabibiktima ng mga fake bookings ngayong panahon ng pandemya.