Matapos tila bantaan ni Kylie Padilla ang beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin ngayong Biyernes, Oktubre 22, tumugon agad si Cristy sa matapang na pahayag ng aktres.

Sa programang “Cristy Fer Minute,” tinanong ni Cristy si Kylie kung bakit binura nito ang Facebook post kaninang umaga.

“Kylie, alam mo. Hindi mo pu-pwedeng manduhan ang mga manunulat kung ano ang kanilang sasabihin at kanilang susulatin. Katulad ko, ako’y isang kolumnista. Hindi mo ako pwedeng diktahan kung ano lang ang gusto mong mabasa mula sa columns ko,” sabi ng kolumista.

Pinunto ni Cristy ang maayos na relasyon niya sa tatay ni Kylie na si Robin Padilla. Sa katunayan umano, walang masasabi si Cristy sa action star.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Kylie bakit wala kang nakuha sa paninindigan ng ama mo?” tanong muli ni Cristy.

“Kapag meron kang sinulat o sinabi, panindigan mo,” dagdag nito.

Kasunod na pinayuhan ni Cristy si Kylie na linisin ang pangalan niya sa pamamagitan ng pag-address sa isyu.

“Isang araw Kylie, tatanda ka rin. Pero alam mo napakasarap tumanda na merong pinagkatandaan. Huwag kang nagagalit sa mga tao na sa palagay mo ay kumakampi sa kabilng panig,” sabi ni Cristy kay Kylie na unang sinabihang “grow up” ang kolumnista.

Pinunto ng TV host na paninindigan nito ang ulat kaugnay sa umano’y pagtataksil ng aktres.

“Kylie, hindi pa ipinanganganak ang artistang mag-mamando at magdidikta sa akin na kung ano ang dapat ko lang sulatin at sabihin. Sorry sayo, maling puno ang kinahulan mo. Maraming salamat sayo, Ms. Kylie Padilla-Abrenica.”

“Kung gusto mo na puro maganda lang ang tungkol sa iyo ang mababasa mo. Magtayo ka ng sarili mong publication. Pero para panghimasukan mo ang buhay naming manunulat, panghimasukan mo ang trabaho ko sa hanay na kinabibilangan ko, hindi kita papayagan. Iisa lang ang puhunan namin, kung kayo ay kagandahan, kami ay kredibilidad. Hindi ko papanakaw sayo yun, Kylie Padilla!”

“Ineng, isang araw manalamin ka. Yang mukha mo ay kukulubot. Ang katawan mo ay magbabago ng pustora. Lahat ng mga bagay, materyal lamang. Lalo na ang kagandan, nawawala yan, lumilipas yan pero yung paninindigan, mawala ka man sa mundo, ang sasabihin may word of honor ka.”

“Kung tunay kang nag nagmamalasakit at nagmamahal sa mga anak niyo ni Aljur, dapat ay hindi mo isinapubliko ang mga nangyayari sa buhay niyo.”