Isinailalim sa isang linggong training ang mga frontline workers sa Boracay Island habang unti-unting binubuksan sa publiko ang turismo sa gitna ng pandemya.

Ito ang inihayag ng Department of Tourism (DOT)-Western Visayas Regional office nitong Biyernes.

“Considering that Boracay Island is now open to more areas in the Philippines, we continue to equip our tourism workers with the knowledge and skills on how to handle tourists while observing minimum health and safety protocols”, banggit naman ni DOT-6 Regional Director Cristine Mansinares.

Sinabi ng DOT-6 na sinimulan nila ang kanilangTourism Industry Skills Program (TISP) nitong Huwebes hanggang Oktubre29.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Ang naturang sunud-sunod na training ng mahigit sa 120 tourism workers ay kinatatampukan ng Front Office Operations Course, Basic Housekeeping Course, at dalawang sesyon ng Filipino Brand of Service Excellence.

“Let us bring forth the best Filipino hospitality and deliver tourism experiences that are fun, safe, and sustainable,” ayon pa kay Mansinares.

Mula Oktubre 1-17 ay nakapagtala na ang Boracay ng 12,877 tourist arrival, ayon sa Malay Tourism Office sa Aklan.

Tara Yap