Magkikita nga ba sa Cebu sina presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at incumbent Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para posibilidad na pagtatambal sa susunod na national elections?

Ito ang lumutang na senaryo nang magtungo si Duterte-Carpio sa Cebu kung saan naroroon din si Marcos na nakipagkita naman kay Cebu Governor Gwen Garcia para sa inagurasyon ng kanyang campaign headquarters.

Ang litrato ng pagtungo ni Duterte-Carpio sa Cebu ay ipinost ng dating campaign spokesman ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Peter TiuLaviña, dating nang sinibak ng Pangulo bilang administrator ng National Irrigation Administration (NIA) noong 2017.

“It’s alright that not many noticed my post early yesterday about CeeeBooom and how I wish I would be there this weekend. The reason why is now unfolding – Mayor Sara just took off on board PR2366 bound for Cebu; BBM is in Cebu and also information Speaker Lord Velasco is on his way to Cebu,” ang Facebook post niLaviña nitong Biyernes.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Sa pamamagitan ng socialmedia ay ipinost kamakailan ng mgasupporters nina Marcos at Duterte-Carpio ang kanilang pangarap na makita ang dalawa na nagtutulungan at magtatambal sa susunod na eleksyon.

Kahit na inihain ni Duterte-Carpio ang kandidatura nito para sa ikatlong termino sa pagka-alkalde ng Davao City, malaki pa rin umano ang posibilidad na maghangad ito ng pinakamataas na puwesto sa bansa sa pamamagitan ng substitution.

Dennis Principe