Binatikos ng human rights lawyer at senatorial aspirant na si Jose Manuel “Chel” Diokno nitong Biyernes, Oktubre 22 ang panukalang pag-amyenda sa the Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) law ni Ombudsman Samuel Martires, kung saan para kay Diokno mas mainam na hasain na lang ang pangil ng Ombudsman laban sa korupsyon.

Tinutulan ni Diokno ang panukala ni Martires na amyendahan ang Republic Act No. 6713, o ang batas na nag-re-require sa mga public officials at government employees na maghain ng kanilang SALN.

Atty. Chel Diokno via Facebook

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang nauna nang naglatag ng suhesyon si Martires na parusahan ang mga magbibigay ng komentaryo sa mga SALN ng hanggang limang taong pagkakakulong o P5,000 multa o parehong parusa.

“Dapat tumulong na lang ang Ombudsman sa pagbibigay ng dagdag na ngipin sa kampanya kontra katiwalian kaysa magpanukala ng mga ganyang klaseng pagkilos,’ sabi ni Diokno na nangunguna sa Free Legal Assistance Group (FLAG) na nagbibigay ng libreng legal aid sa mga buktima ng pang-aabuso at mga mahihirap na Pilipino.

“Imbis na mga kurakot sa gobyerno ang habulin, ang pinag-iinitan at gustong parusahan ng Ombudsman (ay yung) mga Pilipinong naghahanap lang ng katotohanan,” pagpupunto ni Diokno.

Bilang pampublikong dokumento ang SALN, may karapatan umano ang bawal Pilipino na makita at masuri ito upang masiguro na walang mga opisyal ng gobyerno ang yayaman habang nasa kapanyarihan.

Tumatakbo bilang senador sa darating na Halalan 2022 si Diokno sa ilalim ng tiket ni Vice President at Presidential aspirant Leni Robredo.

Betheena Unite