Patuloy ang pagpapakawala ng sobrang tubig mula sa imbakan ng Ambuklaw Dam sa Benguet nitong Biyernes, Oktubre 22 sa gitna ng pag-ulan na dala ng intertropical convergence zone (ITCZ) ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa pagbabantay ng PAGASA nitong alas-8 ng umaga, nanatiling bukas ang dalawang gates ng Ambuklaw Dam sa 0.6 meters.

Naitalng nasa 751.0 meters ang lebel ng tubig sa naturang dam, isang metrong mas mababa sa 752.0-meter normal high water level.

Patuloy na pinaaalalahanan ng PAGASA ang mga residente ng Brgy. Ambuklaw, Bokod, Benguet na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, tuluyan nang itinigil ang spilling operations nitong Biyernes, Oktubre 22 at Huwebes, Oktubre 21 sa Binga Dam sa Benguet at Magat Dam in Isabela.

Nasa 574.18 meters ang water level ng Binga Dam, 0.82 meters na mas mababa ito sa 575.0-meter normal high water level.

Naitala naman sa 190.96 meters ang lebel ng tubig sa Magat Dam, 2.04 meters na mas mababa sa 193-meter spilling level ng dam.

Ellalyn De Vera-Ruiz