Itinigil ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapatupad ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa isang distrito sa Palawan dahil sa umano'y anomalya.
Kinumpirma ito ni DOLE spokesperson Rolly Francia at sinabing alinsunod ito sa kautusan ni DOLESecretary Silvestre Bello III nitong Miyerkules..
“Secretary Bello ordered the suspension of the implementation of the TUPAD in Palawan, 2nd district. This is due to reports received by DOLE of similar anomalous schemes applied in QC, 2nd district. With a warning that to all regional directors to closely monitor the implementation of TUPAD so as not to have similar incidents,” aniya.
Sa report na natanggap ng DOLE, tumanggap lamang ang mga manggagawa ng₱1,200 at hindi₱3,200 na para sana sa 10 araw na pagtatrabaho.
Aabot ng₱320 ang minimum na suweldo sa lalawigan.
“PH₱2,000 was seized, allegedly embezzled by coordinators in the 2nd district of Palawan. Most of them are indigenous recipients of our program,” paliwanag ni Francia.
Iniutos aniya ni Bello ang pagsasagawa ng agarang imbestigasyon sa usapin.
“He (Bello) engaged the services of the NBI (National Bureau of Investigation) to look into these reports. Accordingly, after which, charges will be filed against those to be found responsible for these acts of theft,” pahayag pa ni Francia.
PNA