Makahulugan ang naging latest Facebook post ni senatorial candidate Robin Padilla hinggil sa pagbuo ng batas na nasa 'banyagang salita' o dayuhang wika.

"During colonization, colonizers usually imposed their language onto the peoples they colonized, forbidding natives to speak their mother tongues… Many writers educated under colonization recount how students were demoted, humiliated, or even beaten for speaking their native language in colonial schools," panimula ni Robin kalakip ang link ng kaniyang pinagkuhanang source.

Ang pinupunto ni Robin ay hinggil sa 'colonial mentality' sa usaping pangwika, na maging sa mga ginagamit na katutubong wika ng mga tao ay nalalait din.

"Hindi ba't nangyayari pa hanggang sa ngayon ang panghihiya, pang-aapi at pangmamaliit dahil Tagalog o Bisaya o Ilocano atbp. ang ginagamit na wika."

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

"Ang katuruan ng mga colonial na paaralan ay naghahari pa hanggang sa ngayon. Ang kanilang pinagyayaman ay hindi baleng hindi ka maintindihan ng karamihan, basta nakapagsalita ka nang maganda at malalim na Ingles ay magaling at matalino ka na.

Basahin po ninyo ang artikulo na ito," ani Robin na ang tinutukoy ay ang source na kaniyang inilakip.

"Sa wikang Ingles po ito kaya maintindihan po ng 20 porsyento ng mga Pilipino na nakapagtapos ng pag-aaral sa mga colonial na paaralan."

Inilakip din ni Robin ang isang photo message niya, hinggil sa opinyon at saloobin niya sa pagbuo ng batas.

"Hindi ginawa ang batas para maintindihan lamang ng mga matatalino, may mataas na katayuan at pinag-aralan. Ang batas ay nililikha para sa proteksyon ng mas nakararami, mahina, mahirap, at walang laban."

"Ang mga batas na inukit sa malalalim na banyagang salita ay sinasadya para hindi maintindihan ng karamihan ng mga tao. Isang malinaw na panlilinlang sa interes ng Inang Bayan at taumbayan."

Robin Padilla (Larawan mula sa FB)

May be an image of 1 person and text
Robin Padilla (Larawan mula sa FB)

At dahil nakakaladkad ang pangalan ni Robin sa isyu ng hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, may mga netizens na nagsasabing baka simpleng banat niya ito sa manugang, dahil nasa wikang Ingles ang post nito hinggil kay Kylie.

Matatandaang si Robin ang nagkumpirma sa publiko na hiwalay na nga ang kaniyang anak kay Aljur. Sa kaniya nanggaling na may third party na sangkot dito, at ito ay sa side ng manugang. Pabiro pa nga niyang iminungkahi na mag-Muslim na lamang ang manugang, na umani rin ng batikos mula sa mga netizens.

Samantala, wala pa namang tugon o pahayag si Robin hinggil sa pasabog na ginawa ni Aljur.