Mahigpit na tinutulan ng isang kongresista ang "No Jab, No Job Policy" sapagkat milyun-milyong Pilipino ang mawawalan ng trabaho sa patakarang ito.
Sinabi ni Rep. Enrico Pineda (1PACMAN Partylist), Chairman ng House Committee on Labor and Employment, na ang polisiyang ito ay labag sa batas na gawing pre-requisite para ang isang manggagawa o kawani ay makapag-report sa trabaho, kailangan niyang magpabakuna muna.
“I do not agree with the policy of “No Jab, No Job” being implemented by some businesses. Requiring a person to be vaccinated just so that they may be able to make a living is not right,” ayon kay Pineda.
Binigyang diin ng mambabatas na bagamat siya ay pabor sa pagbabakuna o vaccination upang matamo ng bansa ang herd immunity, hindi ito dapat ipagpilitan sa mga mamamayan.