Nagbukas na muli ang Manila Ocean Park nitong Huwebes, Oktubre 21, matapos ang isang taon na pansamantalang pagsara dahil sa coronavirus pandemic.

Ang oceanarium ay bukas sa publiko simula Huwebes hanggang Linggo mula alas-10 ng umaga hanggang ala-6 ng gabi.

Mga fully vaccinated na indibidwal na may edad 18 hanggang 65 lamang ang pinapayagan sa tourist site.

Sinabi ni Manila City Vice Mayor Honey Lacuna, na nanguna sa pagbubukas ng Manila Ocean Park, na maaaring humantong ito sa pagkakaroon ng trabaho at pagbawi ng ekonimiya ng Lungsod ng Maynila.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“After a year of temporary closure brought about by the pandemic, we are hopeful that business like yours will get back on track,” ani Lacuna.

“You are conveying a clear message that we are getting through the darkest times and that we are almost getting out of the tunnel and beginning to see the light,” dagdag pa niya.

Jaleen Ramos