Inaasahang mararamdaman na ang malamig na simoy ng hangin sa mga susunod na araw dahil sa iiral na amihan sa bansa.

Ito ang pahayag ni weather forecaster Aldczar Aurelio ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes ng umaga, Oktubre 21.

Nasa "transition period" na aniya bansa na nangangahulugang papunta na sa amihan season ang Pilipinas.

“Sa katunayan, ang malamig na hangin ay umaabot na sa Taiwan area," paliwanag ni Aurelio.

National

Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking

Kaugnay nito, kasalukuyan namang umiiral angIntertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Visayas and Mindanao.

Makararanas din aniya ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ng kalat-kalat na pag-ulan o thunderstorms dulot ng ITCZ at posible ring magdulot ito ng flashfoods at landslides.

Jhon Aldrin Casinas