Totoo nga ba ang chika na hindi umano susuportahan ni 'Eat Bulaga' host Joey De Leon ang kaniyang kaibigang si Senate President Tito Sotto III sa kandidatura nito bilang pangalawang pangulo ng bansa?
Hindi mismo malaman ni Joey kung paano umusbong ang naturang balita, na tinawag niyang 'fake news' sa kaniyang Instagram post, kalakip ang lumang larawan nilang tatlo kasama si Vic Sotto.
"Anak ng pating eh halos pitong buwan pa bago mag-election pero nagkalat na fake news! Kesyo ako daw, gamit ang mukha at pangalan ko, iniendorso ang isang kandidato! Pwede ba, nasa litratong ito natural ang aking iboboto. Eh PITONG presidente na kaming magkakasama! Kailangan pa bang i-explain yan?" ani Joey.
"Doon sa mga 'friends' ko kuno, fact check muna before posting! Erection ang problema ko hindi election! Ginagalit nyo ‘ko eh!" pagbibiro pa ng komedyante-TV host.
Masasabing matibay na ang samahan nina Tito, Vic, at Joey (TVJ) noon pa man, na higit pa umano sa edad ng 'Eat Bulaga' na hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin sa telebisyon tuwing tanghali.