Napa-fly 'high' ang kapulisan matapos madiskubre ang bagong modus sa kalakaran sa pagbebenta ng pinaghihinalaang shabu.

Ayon sa report na inilabas ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region XI sa kanilang Facebook post, Oktubre 20, iniiulat ng isang kagawad sa Brgy. Ma-a, Davao City sa talomo Police Station 3 ang natagpuang drone camera na mayroong tatlong heat sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu.

Ayon sa kagawad, natagpuan ang drone sa Purok 25-B, People's Village, Ma-a, Davao City, malapit sa Davao City Jail.

Mayroong hindi bababa at tataas sa 25 gramo ang na-recover na shabu at may tinatayang street value na P400,000.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Siniguro naman ng BJMP na paiigtingin pa nito ang pagmamatyag at seguridad ng mga "Persons Deprived of Liberty."

"The BJMP will continue to be vigilant in securing our facilities to assure that all Persons Deprived of Liberty under our care will be detained according to the standards set about by the laws," pahayag ng BMJP.