Hindi maaaring tanggihan ng mga business owners ng trabaho ang mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19, ito ang sabi ni Justice Secretary Menardo I. Guevraa nitong Miyerkules, Oktubre 20..

Nagbabala si Guevarra laban sa paglabag sa Section 12 ng Republic Act No. 115251 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.

Ani Guevarra sa ilalim ng RA 115251. “the vaccine cards shall not be considered as an additional mandatory requirement for educational, employment, and other similar government transaction purposes.”

Pinunto niya ang probisyon ng batas matapos ilang grupo ng mga negosyante ang nagrekomenda na tanggapin lang ang mga indibidwal na bakunado na laban sa sakit.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

“Note also that the DOLE (Department of Labor and Employment) has already issued its policy guidelines on some of these matters,” sabi ni Guevarra.

Gayunpaman, nananatiling bukas ang pamahalaan sa mga suhestyon ng mga negosyante, dagdag ng kalihim.

“We may take this up at the IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases),”sabi niya.

Jeffrey Damicog