Puwede nang mamasyal ang mga menor de edad sa Quezon Memorial Circle, ayon sa pahayag ng Quezon City government nitong Miyerkules, Oktubre 20.

Resulta lamang ito ng napagkasunduan ng mga miyembro ngMetro Manila Council (MMC) para sa travel at outdoor activities para sa nasabing age group, nitong Oktubre 19.

Gayunman, nilinaw ng pamahalaang lungsod na hindi nila papasukin sa parke ang mga menor de edad na hindi kasama ang kanilang mga magulang o tagapag-alaga.

Sa ilalim ng panuntunan sa pinaluwag na Alet Level 3, maaari lamang mag-accommodate ang parke ng 30 porsyento ng maximum capacity nito.

Metro

Mahigit ₱27M shabu mula South Africa, nakumpiska sa NAIA

Aaron Dioquino