Ayon kay Senator Joel Villanueva nitong Miyerkules, Oktubre 20, hindi raw magkasundo ang mga numero sa hiring program ng Department of Health (DOH).
Ani Villanueva, chairman of the Senate labor committee,habang naghahangad ng P3.8 bilying pondo para sa dagdag na personnel sa ilalim ng emergency hiring program ng DOH, mayroon pang higit 14,000 bakanteng posisyon ang ahensya.
Hiningi ng senador ang update sa naganap na budget hearing ukol sa rekomendasyon na naihapag nito sa Senate Blue Ribbon Committee para ma-extend mga kontrata ng frontline healthcare workers ng kahit isang taon.
Tinanong din ni Villanueva ang DOH sa hakbang ng ahensya at sa pakikipag-ugnayan nito sa Civil Service Commission para mag-hire ng regular na mga empleyado sa halip na contractual.
‘’We cannot determine if we are nearing the end of the pandemic,” sabi ni Villanueva sa isang hearing.
Dahil dito, mahalaga umanong mayroong hiring system ang DOH na tutugon sa pangangailangan ng pandemya.
Kung matanggap muli ang mga kontraktuwal na mga empleyado, dapat umanong kwalipikado na rin ang mga ito sa special risk allowances (SRA), hazard duty pay at iba pang allowance na natatanggap ng mga regular na healthcare workers.
Hiningi rin ni Villanueva ang update kaugnay sa pamamahagi ng SRA sa itinakdang panahon.
Binalikan ni Villanueva ang nabanggit sa DOH budget hearing kung saan sinabing humiling na ng pondo ang ahensya mula sa Department of Budget and Management (DBM)para sa SRA para sa 85,000 healthcare workers.
Dagdag ng senador, dapat pantay ang SRA at iba pang benepisyong natanggap ng mga frontline workers.
“There will be a lot of factors that will determine the risks involved in a risk-based classification of grant of COVID-19 benefits,” sabi ni Villanueva.
“It would be difficult to ascertain this because this may vary depending on whether a surge may occur in a particular area,” dagdag niya.
Mario Casayuran