CEBU CITY - Natimbog ng pulisya ang isang lalaking umano'y gumagawa ng pekeng pera matapos bentahan ng 10 piraso ng pekeng₱1,000 bills ang pulisya sa Barangay San Nicolas ng lungsod, nitong Martes.

Nakapiit na sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Mandaue Field Unit ang suspek na si Joseph Salas, na nahulihan din ng huwad na₱24,000 bills.

Aminado naman si Police Lt. Col. Hector Amancia, deputy chief ng CIDG-Central Visayas, na tumagal ng apat na buwan ang kanilang surveillance laban kay Salas bago ito nadakip.

Itinanggi ng suspek na nagbebenta ito ng pekeng pera, gayunman, aminado ito na inupahan siya ng kanyang kaibigan upang gumawa ng mga pekeng pera.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Sa kanyang pahayag, ang huli niyang transaksyon ay pinagawa siya ng 30 piraso ng huwad na₱1,000 bill at binayaran lamang ito ng₱500.

May teorya naman si Amancia na gumagamit si Salas ng printer sa paggawa nito ng mga huwad na bills. Inihahanda na ang kaso laban sa suspek.

Calvin Cordova