Maaaring magdala ng kalat-kalat na pag-ulan ang intertropical convergence zone (ITCZ) sa ilang bahagi ng bansa sa susunod na 24 oras, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)nitong Miyerkules ng hapon, Oktubre 20.
Ang ITCZ ay isang rehiyon kung saan nanggagaling sa nagsamang hangin sa northern at southern hemispheres na nagreresulta ng pagkabuo ng mga ulatp at kalauna’y pag-ulan.
Sa susunod na 24 oras, maaaring makaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pagkulog at pag-ulan sa mga probinsya ng Aurora, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, Albay, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Masbate, Aklan, Antique, Iloilo, Guimaras, at Negros Occidental.
Pinayuhan ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas ang publiko na manatiling alerto sa maaaring pagbaha at pagguho ng lup sa oras ng severe thunderstorms.
Samantala, maaaring maranasan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan at ilang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.
Maaaring asahan din ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan at ilang pag-ulan sa Metro Manila at sa ilang natitirang bahagi ng bansa.
Ayon pa sa eksperto, mababa ang tyansa na may bagyong mabubuo sa loob o malapit sa area of responsibility ng bansa sa susunod na tatlong araw.
Gayunpaman, maaaring may mamuong sama ng panahon sa weekend. Ayon sa PAGASA, maari nitong bagtasin at magdala ng pag-ulan sa gitnang parte ng bansa kabilang ang Metro Manila.
Ellalyn De Vera-Ruiz