Nakatakdang maglunsad ng pag-aaral ang Department of Science and Technology (DOST)para subukan ang potensyal ng virgin coconut oil (VCO), kilala sa antiviral at antimicrobial properties, laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Susuriin ng ahensya ang effectivity ng VCO sa pagpigil ng severe acute respiratory syndrome coronavirus disease 2 (SARS-CoV- 2), na sanhi ng COVID-19, ani DOST-Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Director Jaime C. Montoya.

“‘Yan po ay kailangan tingnan pa ng iba pang study, pero may basehan naman po sinabi natin na pinapatay nya yung virus lalo na pag kakaunti lamang at nagsisimula pa lang,” sabi ni Montaya nang tanungin kung ang pag-inom food supplement na VCO ba ang kayang iwasang mahawa sa COVID-19.

Sa pag-aaral na unang ginawa ni Dr. Fabian Dayrit at kanyang grupo mula sa Ateneo De Manila University, lumabas na nagawang mapababa ng VCO compound ang bilang ng virus mula 60 hanggang 90 percent sa mga mild COVID-19 cases.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“So it makes sense na baka puwede syang for prevention pero may iba pong klaseng study na gagawin sila at gagawin din natin pero ang disensyo po nya ay iba kasi kailangan kukunin na volunteer na wala pang COVID pero maari na-expose o nasa isang lugar na maraming COVID at titingnan natin kung sila ay magkakaroon,” sabi ni Montoya.

“At usually ito po ay ginagawa, at ito lang po ay iniisip ko na kasi isa pong disenyo ito na ia-apply sa ilong o sa bibig kasi doon po unang pumapasok ang virus,” dagdag niya.

Nilinaw ni Montoya na kagaya ng tawa-tawa (Euphorbia hirta), isang aprubadong food supplement din ang VCO.

“Lilinawin ko lang itong VCO at tawa-tawa these are approved food supplement pero po hindi po ito…for COVID… para mapalakas ang katawan. Pero ito po ay kung maganda po ang magiging resulta at aaprubahan ng FDA ay mabibigyan na siya ng what we call limited indication for COVID-19,” sabi niya.

Charissa Luci-Atienza