Ipinagdiinan ng dating batikang ABS-CBN broadcaster na si Ces Oreña-Drilon na ang panawagan umano ng taumbayan ay aminin at i-acknowledge ni presidential candidate at dating senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. na malaki ang kasalanan ng kaniyang amang si dating pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa mga Pilipino.

"We aren’t asking BBM to pay for the sins of his father but to acknowledge them!" ayon sa tweet ni Ces nitong umaga ng Oktubre 19, 2021.

"For how can you run on a platform pretending FM was the greatest president this country ever had when up to now my sons & your children are paying the interest on his behest loans to cronies!"

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ces Oreña-Drilon (Larawan mula sa Twitter)

Matatandaang ang laging isinasagiot nina BBM at Senador Imee Marcos kapag nauusisa hinggil dito ay may desisyon na ang korte sa isyung ito at hayaan na lamang ito.

Tila ipinagtanggol naman ni senatorial candidate Raffy Tulfo si BBM sa panayam nito sa ABS-CBN. Aniya, ang kasalanan ng ama ay hindi kasalanan ng anak.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/19/atom-araullo-nag-react-sa-sinabi-ni-raffy-tulfo-na-walang-kasalanan-ang-anak-sa-kasalanan-ng-ama/">https://balita.net.ph/2021/10/19/atom-araullo-nag-react-sa-sinabi-ni-raffy-tulfo-na-walang-kasalanan-ang-anak-sa-kasalanan-ng-ama/

Si Atom Araullo na isa ring mamamahayag mula sa Kapuso Network ang tila sumasang-ayon naman na may kailangang i-acknowledge si BBM sa mga umano'y kasalanan ng kaniyang ama sa tuambayan, na ipinadaan din sa tweet.