Inanunsyo ng Bureau of Customs (BOC) nitong Miyerkules, Oktubre 20 ang pagkakasabat at kalauna'y pagwasak sa anim na makinang ginagamit umano sa produksyon ng pekeng sigarilyo sa Porac, Pampanga.
Isang ceremonial destruction ng mga makinang ginagamit sa paggawa ng pekeng sigarilyo ang naganap sa Greenleaf 88 Waste Disposal Management Facility sa Barangay Mita noong Oktibre 13.
Kabilang sa mga winasak na ginamitan ang walong rolls foil wrap, isang roll ng tipping paper, 15 rolls ng white paper, 400 hundred rolls ng plastic wrap, ten rolls ng Philip Morris Philippines Manufacturing Inc. tape, at pitong rolls ng Mighty tape.
Nasabat ang anim na makina at iba pang kagamitan noong Setyembre 2 sa basbas ng BOC-Port of Aparri Seizure Identification Order No. 004-2020 na inisyu ng District Collector na si Arienito Claveria.
Ang seizure order ay inilabas kasunod ng umano’y paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act kaugnay ng Amended Rules and Regulations Governing the Exportation and Importation of Leaf Tobacco and Tobacco Products Series of 2005.
Waylon Galvez