Sa kabila ng “Maring” operations sa La Union, siniguro ng Philippine Red Cross na mayroong sapat na suplay ng dugo sa bansa sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na blood donation drive.
Nitong Oktubre 16, matagumpay na nakakolekta ng 49 blood units ang PRC sa kanilang mobile blood drive sa Bauang, La Union.
Walang patid umano ang PRC sa inisyatiba sa kabila ng pandemya, ani PRC Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Senator Dick Gordon.
“As the premier humanitarian organization in the country, we will continue to be at the forefront of providing aid to the most vulnerable, especially during emergencies,” sabi ni Gordon.
“But it doesn’t end there, we will also continue with all our regular services as the need for blood never stops,” dagdag niya.
Mula Oktubre 20, nakapaghatid na ang PRC sa La Union ng 4,214 hot meals, 1,472 bottles of water, 641 pieces of clothing, 692 face masks at 50 hygeine kits.
Ilang volunteers din mula PRC ang naglunsad ng orientation kaugnay ng pagpapanatili ng malinis na pangangatawan. Nasa 136 indibidwal naman ang sumailalim sa psychosocial first aid.
Nakapamahagi rin ang PRC ng nasa 72,000 litro ng tubig na naghatid sa 5,288 indibidwal ng ligtas at malinis na inuming tubig.
Merlinda Hernando-Malipot