Nasa kabuuang 573 bagong recruits ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nagsimula na sa kanilang anim na buwang pagsasanay nitong Martes, Oktubre 19 sa Regional Training Center sa San Ramon, Zamboanga City.

Sasabak ang mga trainees sa military drills, basic soldiery at iba pang tradisyon ng PCG.

Pag-aaralan din ng mga bagong recruits ang iba’t ibang mandato ng Coast Guard partikular ang pagpapatupad n maritime law, seguridad, search and rescue, safety at pagpoprotekta sa kalikasan.

Sa isang seremonya ng Coast Guard Non-Officers’ Course (CGNOC) Class 85–2021, binati at mainit na tinanggap nina Commodore Roben De Guzman, deputy commander of PCG Education, Training, and Doctrine Command (CGETDC), at Commodore Luisito Sibayan, commander of the Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM) ang mga fresh recruits.

National

VP Sara, sinagot pahayag ni Año na usapin ng 'national security' anumang banta kay PBBM

Bago mapabilang sa CGNOC Class 85-2021, sumailalim muna sa medical evaluation at health assessment ang lahat. Sinigurong “physically fit” sa matinding training na tatagal ng anim na buwan ang mga ito.

Waylon Galvez