Binigyang-diin ng Philippine Red Cross (PRC) nitong Martes Oktubre 19 ang kahalagahan na maabot ang mga senior citizens na hindi pa rin nakakatanggap ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa datos Department of Health (DOH), sinabi ng PRC na 3.4 milyong senior citizens pa sa bansa ang hindi pa nababakunahan laban sa sakit.

“Vaccine hesitancy remains a problem especially among the elderly in both far-flung and densely-populated communities,” sabi ng PRC.

Hinikayat ng humanitarian organization ang mga seniors na magpabakuna na rin agad.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Hinihikayat ko na kayo na magpabakuna na kaagad,” ani PRC Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Senator Dick Gordon.

“Hindi mahalaga kung aling tatak dahil lahat ng bakuna na mayroon tayo sa bansa ay ligtas at mabisa sa paglaban sa COVID-19,’ dagdag niya.

Pinaalalahan din ni Gordon na makakamit lang ng bansa ang herd community sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

Pinunto rin ng PRC na “seniors are the most at risk” pagdating sa COVID-19 lalo na sa patuloy na pagkalat ng Delta Variant.

“This is the reason why seniors should be prioritized as they can have the most severe effects when infected by COVID-19,” dagdag ng PRC.

Maaaring tumawag sa1158 o magsend ng email [email protected] upang makapagpabakuna sa PRC.

Merlina Hernando-Malipot