Ibinunyag ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang dahilan kung bakit kinontra niya na mapabilang si ex-Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, miyembro ng Makabayan bloc, sa senatorial slate ni Vice President Leni Robredo.

Para sa kanya, ang Makabayan ay kilala sa panlilinlang at hindi sinuportahan si Robredo sa pilian ng 1Sambayan kung sino ang dapat maging kandidato sa panguluhan.

"Historically, Makabayan was notconcerned about what was best for the country, and that activists within the progressive organization were only looking after their own interests," maanghang na komento ng dating senador.

“Historically, hindi para sa ikabubuti ng bansa ang consideration nila kundi kung saan sila pinakamakikinabang para maitulak ang interes ng kanilang grupo. Kaya nga nagboycott sila nung 1986, kinalaban si PNoy, at sumanib at nakinabang kay Duterte,” dagdag ni Trillanes.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Inihayag ni Trillanes ang karanasan (Magdalo Group) nila noong 2016 elections, na si Colmenares ay bahagi ng tiket ng noon ay presidential candidate na si Sen. Grace Poe.

Gayunman, ang mga kasamahan niya ay sumuporta sa ibang kandidato, kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ibinulgar din ng dating senador na nilabanan ng Makabayan si dating Pangulong Benigno Aquino III, at sumanib kay Duterte dahil sa palagay nila ay dito sila makikinabang.

“Sinabi ko ang hindi magandang experience namin sa kanila nung 2016 kung saan isinama si Neri sa slate ni Sen. Grace Poe, pero sa ground ay si Duterte naman ang kinampanya ng Makabayan,” ayon kay Trillanes.

Sa panig ni Colmenares, sinabi niyang nanatili siya sa kampo ni Poe sa buong panahon ng kampanya bagamat may ilang activist groups ang nagsulong sa kandidatura ni Duterte.

Bilang patotoo na hindi suportado ng Makabayan si VP Robredo, binanggit ni Trillanes na sa limang 1Sambayan coalition conveners nito, hindi nila ibinoto si Robredo at sa halip ay nagpakita ng inklinasyon o pagkiling kay Manila Mayor Isko Moreno.

“Inilahad ko rin ang mga pangyayari sa loob ng 1Sambayan na kung saan lahat ng 5 convenors ng Makabayan ay hindi bumoto kay VP Leni, at ang obvious na pagkiling nila para kay Isko Moreno,” sabi ni Trillanes.

“Ang bottomline is, hanggang ngayon, hindi pa sila nagdedeklara ng suporta kay VP Leni. Iba sila."

Basahin:https://balita.net.ph/2021/10/17/trillanes-pumalag-colmenares-nasa-senatorial-slate-na-ni-robredo/

Bert de Guzman