Nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nasa P15 milyong halagang shabu na nakatago sa kargamento ng damit mula sa Malaysia.

Ayon kay Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, nasa kabuuang 2,300 grams ng shabu ang nadiskubre na may street value na P15.64 million.

Dagdag niya, dalawang kargamento mula sa Malaysia na ang laman ay dapat “clothing” at “lloth” lang ang napag-alamang may crystalline substances matapos ang ginawang examination nitong Martes, Oktubre 19.

Kalauna’y nakumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na shabu ang nakitang substance.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nasa PDEA na ang kustodiya ng mga nasabat na ilegal na droga habang pinalalakas ang kaso laban sa mga mahuhuling nasa likod nito.

Maaring humarap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 (Republic Act No. 9165) na may kaugnayan sa Section 119 (Restricted Importation) at Section 1401 (Unlawful Importation) ng Republic Act No. 10863 o tinatawag ding Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Anim na araw lang ang nakalipas, Oktubre 13, nag-turn-over din ang Port of NAIA ng P6.570 milyong halaga ng ecstacy party drugs sa PDEA.

Ariel Fernandez