Bumili pa ang Manila City government ng karagdagang 57,622 tablets para magamit ng mga estudyante at mga guro sa lungsod, ngayong tuloy pa rin ang pagdaraos ng online classes sa gitna ng banta ng COVID-19.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang mga naturang bagong biling tablets ay bukod pa sa 137,217 tablets na nauna na nilang binili at ipinamudmod sa mga estudyante at mga guro.

Ani Moreno, tulong ito ng lokal na pamahalaan upang matiyak na kahit may pandemya ay tuluy-tuloy pa ring nakakapag-aral ang mga estudyante.

Bukod dito, sinabi ni Moreno na tataasan na rin nila ang libreng monthly data allocation para sa mga batang tatanggap ng tablet.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nabatid na mula sa dating 10GB lamang na buwang data allocation kada batang tumanggap ng tablet, ay gagawin na itong 20GB ng pamahalaang lungsod ngayon.

Kaugnay nito, pinasalamatan din naman ni Moreno ang Manila City Council sa pangunguna ni Vice Mayor at Council Presiding Officer Honey Lacuna sa suporta ng mga ito kung kaya’t naisasakatuparan ang mga programa ng lungsod para sa mga mamamayan.

Mary Ann Santiago