Usap-usapan ngayon ang direktang tweet ng batikang aktor na si Jaime Fabregas kaugnay kay presidential candidate at Manila City Mayor Isko 'Moreno' Domagoso.

Aniya, umpisa pa lamang daw ay hindi na katiwa-tiwala ang mayor. Ito raw ay hindi bagay na maging presidente kundi pang-mayor lamang.

"Sa umpisa pa lang sinabi ko na na mahirap pagkatiwalaan si Isko! Parehong pareho sila ni Duterte! Utak-mayor, hindi pang-presidente," aniya.

Nanawagan siya sa mga kapwa niya botante na mag-isip-isip dahil hindi lamang basta lider ng isang organisasyon ang iboboto kundi presidente ng Pilipinas.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Mag-isip-isip naman sana ang mga botante. Mag-aral, mag-research! Presidente ng Pilipinas ang iboboto natin!"

Jaime Fabregas (Larawan mula sa Twitter)

Si Jaime Fabregas ay isinilang noong Pebrero 28, 1950. Bukod sa pagiging mahusay na aktor ay isa rin siyang musical scorer. Markado ang kaniyang mga pagganap sa pelikula bilang kontrabida. Sa kasalukuyan, siya ay gumaganap na lolo ni 'Cardo Dalisay' (Coco Martin) sa action-drama series na 'FPJ's Ang Probinsyano' sa ABS-CBN.