Nanawagan si Senador Richard Gordon sa mga "trolls" sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue ribbon committee sa umano'y anomalyang pagkuha ng gobyerno ng COVID-19 pandemic supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Sa kanyang opening statement bago ang ika-12 pagdinig ng panel, nag "shoutout" si Gordon sa mga hindi kilalang kritiko na nanonood ng kanilang pagdinig online at mga aktibo sa social media na sinusubukang sirain umano ang mga kredibilidad ng mga senador.

“’Shoutout’ po sa mga trolls na nanonood at nagrereview ng mga script nila. Alam po naming hanapbuhay niyo iyan at ginagawa nyo po iyan para kumita para inyong mga mahal sa buhay, pero sana po ay magbagong buhay na po kayo ," ani Gordon sa pagdinig.

“Marami pong trabahong marangal," pagdidiin pa ng senador.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakakuha ng suporta ang imbestigasyon ng Senate blue ribbon sa iba't ibang sektor, partikular na sa medical sector na naroroon sa virtual hearing.

Nagpapasalamat si Gordon sa mga nakuhang suporta sa "paghahanap ng katotohanan" at sa mga taong patuloy na sumusubaybay sa imbestigasyon ng Senado.

“Hinihikayat po natin ang lahat, upang malaman ang katotohanan at mapanagot ang mga may kasalanan, at maibalik ang perang nawaldas at ninakaw ng mga mandarambong." ani Gordon.

“I am overwhelmed by the statements and expressions of support by the many medical societies and disciplines. With your help and vigilance, I can assure you of our part in order to exact accountability among the public officials (involved),” dagdag pa niya.

“We hear you loud and clear and we support your activism, not because it favors us but it favors the right of the people to be heard your grievances,” pagpapatuloy pa niya.