Hindi inasahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagdagsa ng mga tao sa muling pagbubukas sa publiko ng Dolomite beach sa Manila Bay nitong weekend.

Inamin ni DENR Usec. Jonas Leones nitong Martes, Oktubre 19 na hindi nila mapaghiwalay ang mga lumalabag sa social distancing dahil kalakhan sa kanila’y magkakapamilya.

“Ang problema natin doon ‘yung mga strangers eh na di talaga magkakakilala, kaya nga nangyari samin doon…talagang ang hirap mong iimplement dahil napakabilis talaga ng bugso ng dami ng tao lalo na noong Sunday talaga,” sabi niya sa isang panayam sa DZBB.

Hindi rin umano intension ng DENR na isabay sa pagbabago ng alert level sa Metro Manila ang muling pagbubukas ng Dolomite beach, dagdag ni Leones.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Nasabik yung mga tao eh. Parang delubyo pag pumasok don sa gate eh,” sabi niya.

Magpapatupad umano ng ilang protocols sa lugar simula Miyerkules ang mga awtoridad para mabantayan ang mga bibisita rito, kabilang na ang mga batang magtatangkang maligo sa Manila Bay.

Joseph Pedrajas