Sinabi ni Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban) standard bearer at Senador Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Martes na kailangan i-acknowledge ng kanyang fellow presidential bet na si dating Senador "Bongbong" Marcos Jr. ang mga pagkakamali ng kanyang ama.

Aniya kung ito raw ay nangyari sa kanya, hihingi raw agad siya ng tawad sa mga pagkakamali ng kanyang ama na hindi umano mahirap gawin.

“Siguro, i-acknowledge niya kung mayroong mga kamalian na nagawa ang kanyang tatay. But hindi siya mag-apologize doon sa nagawa ng tatay niya," ani Dela Rosa sa kanyang panayam sa ANC Headstart.

“Dahil, ang kasalanan ng tatay ay hindi naman siguro kasalanan ng anak," dagdag niya

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Kung ako, mag-apologize ako. Para sa akin,but I don’t’ want to ascribe my own standards to Bongbong Marcos,” paglalahad pa ng senador

“Fair lang tayo, kasalanan ng ama, hindi kasalanan ng anak. Pero kung nangyari sa akin yan, nagkasala yung tatay ko, wala namang problema kung mag-apologize ako. Madali lang naman gawin," pagdidiin niya.

Si Marcos, anak ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr., ay isa sa mga naghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagkapangulo para sa May 2022 elections. 

Sinabi ni Dela Rosa na kung mayroon nga umanong ill-gotten wealth ang mga Marcos, dapat daw ito ibalik sa mga tao.

Gayunman, ayon kay Dela Rosa hindi na umano natapos ang usapan tungkol sa ill-gotten wealth ng mga Marcos.

“Bakit ba tayo humantong sa ganito? 1986 pa yan, hindi pa pala tapos? Gaano ba kalaki yang ill-gotten wealth na yan? Akala ko tapos na yan. Napakatagal na panahon na yan," ayon sa mambabatas.