Nakikita ng Philippine General Hospital (PGH) ang pagbaba ng coronavirus disease (COVID-19) admission habang patuloy rin ang pagbaba ng bagong kaso sa Metro Manila, ayon sa tagapagsalita ng ospital nitong Martes, Oktubre 19.

Sa panayam kay PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario sa ANC, wala na umanong “long lines in their emergency rooms.”

“Even if [patients] go through our ERs, they are readily accepted in a matter of one to two days into our wards,” ani Del Rosario.

Mula nitong Martes, 170 sa 300 na COVID-19 beds ang nananatiling okupado.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“That’s a big improvement from used to be taking patients of about 300. At one time we had 350 patients, so we’re steadily seeing the decline of COVID admissions,” dagdag niya.

“Now that we’re taking care of less patients the demand for high-flow oxygen machines or ventilators has decreased so we’re able to manage more and supply them better. We pretty much have all the medicines except for this tocilizumab, which up to now we’re waiting to be available in the country. But other than that, we’re okay,” pagsisiguro ng opisyal.

Sa pagbaba ng mga pasyente, mas kontrolado na ng ospital ang sitwasyon sa ngayon. Gayunpaman, nangangailangan pa rin ang ospital ng mga volunteer doctors, sabi ni Del Rosario.

Nanatili namang nasa 100 percent capacity ang intensive care unite (ICU) ng ospital. “For ICU, since our patients are quite sick, our ICU remains to be full. Most of the time, the moment there’s an opening, a new patient has to be moved into the ICU,” sabi ni Del Rosario.

“In terms of ICU utilization at PGH, we’re still at 100 percent. But the utilization rate for the whole COVID hospital now is down to 60 percent. Which is pretty much in agreement to what’s being seen in other hospitals,”dagdag niya.

Nasa 59 percent ang kabuuang ICU bed utilization sa Metro Manila, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Oktubre 18.

Gabriela Baron