Pinamangha ng isang estudyante ang netizens sa gawa nitong diorama.
Sa Facebook post ni Catherine Fajardo, ipinakita nito ang kanyang pagiging malikhain sa kanyang atomic bomb explosion diorama.
Sa interview, ibinahagi ni Fajardo na proyekto niya ito sa asignaturang Technology for Teaching and Learning.
Gawa lamang ang kanyang diorama sa pintura, styrofoam, ilaw, at plyboard at umabot lamang sa dalawang gabi (8 p.m. hanggang 1 a.m.) ang kanyang paggawa dito dahil isa siyang working student.
Ayon sa kanya, gawin lamang ang mga ginagawa nang may kasiyahan at walang pressure dahil mas mapapadali ang gawain kung walang pressure.
"Maging positibo, happy, mag enjoy sa paggawa lang. Kasi parang madali nalang gawin at di mo namamalayan na tapos ka na pala or maganda yong ginawa mo kasi nga nag eenjoy ka walang pressure," ani Fajardo.
Samantala, umabot na sa 17k reactions ang post ni Fajardo.