Mas pagtutuunan ng konsentrasyon ni Pinoy gymnastics star Carlos Yulo ang tatlong events sa kanyang gagawing pagsabak sa 2021 World Artistic Gymnastics Championships na idaraos sa Kitakyushu, Japan sa Oktubre 

Sinabi ni Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion, target ni Yulo na umabot ng finals sa floor, vault at parallel bar events.

Defending world champion si Yuĺo sa floor exercise nang magwagi ito noong 2019 world gymnastics tilt.

Matatandaang muntik na ring manalo si Yulo ng medalya sa vault apparatus sa nakaraang Tokyo Olympics noong Agosto.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"He's going to do three-fold. He wants to win the gold in the floor, maybe silver in vault. In the parallel bars, he aims to be in the finals," ani Carrion.

"He's pumped up now and he's more calm. He really wants to win it,"ani Carrion.

Uumpisahan ni Yulo ang kanyang kampanya sa Oktubre 20 para sa qualifying round kung saan nasama siya sa ikapitong grupo kasama ng mga gymnasts mula Italy, Croatia, Uzbekistan, Czech Republic, Finland, at Denmark.

Kailangan ni Yulo na mapasama sa overall top eight ng floor, pommel horse, rings, vault, parallel bars at horizontal bar upang umabot sa medal round ng nasabing mga events, ayon sa opisyal.

May tsansa rin si Yulo na lumaban sa individual all-around finals kung ang total score sa qualifying round ay pasok sa top 24 overall finish para sa medal round. 

Marivic Awitan