Nagbabala ang Makati City government nitong Lunes, Oktubre 18 matapos ang ulat na ibinebenta umano sa isang mall sa Saudi Arabia ang sapatos na kahawig ng A.B 3.0 (Air Binay 3.0).

Inilunsad ang AB 3.0 ng lokal na pamahalaan para sa mga estudyante sa mga pampublikong eswkelahan sa lungsod.

Sa kanilang Facebook, nilinaw ng LGU na ang binebentang sapatos sa ibang bansa ay walang anumang kaugnayan sa lokal na pamahalaan ng Makati at sa Department of Education – Makati.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Larawan mula Makati LGU

“We are currently contacting our manufacturer and suppliers to further investigate the matter,” sabi ng LGU.

“We warn individuals and groups that there are legal actions in the unauthorized use of Makati City seal, as we commit to serve the #ProudMakatizens with transparency,”dagdag nito.

Maliban sa sapatos, taun-taon ding namamahagi ang LGU ng mga school supplies at uniporme sa mga estudyante ng lungsod.

Patrick Garcia