Sa muling pagbubukas ng bagong edition ng Pinoy Big Brother (PBB) celebrity edition, kasama sa mga bagong housemates si Miss Grand International (MGI) first runner-up Samantha Mae Bernardo na kinatawan ng pageant community.

Unang araw pa lang sa bahay ni Kuya, mabilis na nagkapalagayan ng loob ang housemates kaya’t isa nga sa mga agad na nagkwento ang beauty queen.

Matatandaang inabangan ng sambayanan ang journey si Samantha Bernardo sa Miss Grand International sa bansang Thailand noong Marso.

Naging kontrobersyal din ang resulta ng naturang pageant matapos madismaya ang Pinoy fans nang koronahang first runner-up si Samantha at tanghaling winner ang kandidata ng Amerika na siAbbenaAppiah.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ayon mismo kay Samantha, matapos ang coronation night, nag-alok ng kontrata sa kanya ang MGI na kanya namang tinanggihan.

“Actually, nung pagkapanalo [ni Abbena], ang daming nag-bash. Tas kinabukasan, may media tour pa kami. Nag-stay pa kami sa Thailand for three months,” pagbabahagi ni Samantha sa kapwa housemates.

“Nag-offer sila ng contract. Ang reigning five months lang. Ako three months, yong kino-contour nilang contract. Tapos ako ang nga-training sa Miss Grand Thailand. Ako nag-sponsor shoot,” pagdedetalye ni Samantha.

Sa sitwasyong ‘iyon, naisip umano ni Samantha “Bakit hindi na lang ako ang nanalo tas o-offeran niyo ko ng contract?”

Ayon pa kay Samantha, tatlong beses niyang tinanggihan ang alok na kontrata.

Ani Samantha nang tanungin siya ng mismong may-ari ng MGI, “Kung ‘di niyo ako pinili, why would I choose to stay?”

Para kay Samantha, isa lang ang dapat na queen at ayaw din niyang maging kahati ni Abbena sa korona.

“Part of me is sad. Nung na-realize ko, ‘Shocks, saying!’ after few months. Pero na-realise ko, okay lang, baka may para sa akin talaga,” sambit ni Sam.

“Sa pageant ang pinakamasakit kung runner-up ka. At kung paulit-ulit. Parang ang sakit-sakit lalo. Parang you’re one of the best but never an option,” dagdag ng beauty queen na dalawang beses na naging runner-up sa Binibining Pilipinas at sa huling sabak nito sa MGI.

Samantala, nilinaw ni Samantha na masaya siya sa pagkapanalo ni Abbena na “timely and relevant” din dahil sa adbokasiya nitong “Black Lives Matter.”