Malapit nang maging isang fully-operational na general hospital ang President Corazon C. Aquino Health Center sa Baseco, Maynila, na magsisilbi sa may 100,000 residente na naninirahan sa naturang komunidad.

Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso and Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan lead the groundbreaking ceremony for the President Corazon C. Aquino General Hospital in Baseco compound, Manila. (Ali Vicoy / MANILA BULLETIN)

Ang naturang magandang balita ay inianunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno matapos nilang pangunahan ni Vice Mayor Honey Lacuna ang groundbreaking ceremony ng naturang itatayong hospital.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa sandaling maging fully operational, ito na ang magiging pang-walong pagamutan sa lungsod na nagkakaloob ng libreng serbisyo sa mga residente.Nabatid na P110 milyon ang pondong inilaan ng lokal na pamahalaan para sa pagpapatayo ng naturang pagamutan.

Ito ay tatawaging President Corazon C. Aquino General Hospital, bilang pag-alala at paggalang sa dating Pangulo at kay dating Manila Mayor Alfredo Lim.

“Ayoko na pagpalit ng administrasyon, buburahin na lang… nananakit tayo ng damdamin pag ganun.As a matter of respect to Mayor Lim and President Cory Aquino na naglingkod sa Maynila at sa bansa, ito ang aming paglingon sa nakaraan, patuloy naming i-immortalize those who have served our city and I am comfortable and okay with that,” ani Moreno.

Sinabi rin ni Moreno na sa tulong ng naturang bagong ospital ay hindi na kailangan pa ng mga residente ng Baseco na bumiyahe ng malayo para magpagamot.

Bukod kina Moreno at Lacuna, kabilang rin sa mga sumaksi sa groundbreaking ceremony sina Congressman Yul Servo, Councilor Irwin Tieng, city engineer Armand Andres, city architect Pepito Balmoris, city electrician Randy Sadac and tourism chief Charlie Dungo, barangay bureau chief Romy Bagay at mga fifth district Councilors sa pangunguna ni Charry Ortega.

Matatandaang sa ngayon ay mayroon ng pitong pagamutan sa Maynila na nagbibigay ng libreng serbisyong medikal sa mga residente.

Kabilang dito ang Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Tondo, Ospital ng Sampaloc, at ang Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta na itinayo sa loob lamang ng 52-araw. 

Mary Ann Santiago