Inaprubahan ng Senate Committee on Finance Sub-Committee, sa pangunguna ng committee chairman na si Sen. Joel Villanueva, ang proposed 2022 budget Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) habang nilinaw ang ilang mga isyu ng panel nitong Lunes, Oktibre 18.
Inaprubahan ng miyembro ng komite ang nasa P14.5 billion budget ng TESDA sa kabila ng mga isyu ng ahensya kaugnay ng fund transfer at ang bigong pagsusumite ng disbursements sa itinakdang panahon.
Sa kanyang interpellation, kinwestyon ni Sen. Franklin Drilon ang “maling paggamit ng pondo” ng TESDA sa ilang kwestyunableng fund trsnafers at disbursement utilization rate.
Dagdag ni Drilon, ang mga transfer of funds mula sa central office patungo sa regional office ay hindi maituturing na utilization o paggasta sa nilaang pondo.
Kinwestyon din ni Drilon sa pagpupulong ang ginawang fund transfer ng ahensya sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nagkakahalaga ng P74.4 million.
Binanggit din ni Villanueva na nauna nang sinita ng Commission on Audit ang nasabing transaksyon.
Itinanggi naman ni TESDA Secretary Isidro Lapeña na mayroong fund transfer ang ahensya sa NTF-ELCAC. Sa halip ay nilaan umano ang pondo sa mga regional offices ng ahensya na ginamit bilang training assistance sa mga malalayong lugar.
Kasunod na hiniling ng komite ang ulat ng TESDA sa kanilang fund allocation maliban lang sa paghiling sa COA kaugnay nga sa mga fund transfer ng ahensya.
Naitatag ang TESDA sa ilalim ng Republic Act No. 7796 o ang “Technical Education and Skills Development Act of 1994,” sa pamumuno ni President Fidel Ramos.
Melvin Sarangay