Nakatakdang isampa sa korte ang kasong pag-iingat ng iligal na droga laban kay JulianOngpin, anak ni dating Trade minister at billionaire Roberto Ongpin.

Paliwanag ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary and spokesperson Emmeline Aglipay-Villar, ang kaso ay ihaharap nila sa San Fernando City, La Union Regional Trial Court matapos mailabas ang resolusyon nitong Lunes, Oktubre 18.

“The same information also states that the offense is non-bailable,” ayon kay Villar.

Nitong Oktubre 8, naglabas na ang hukuman sa La Union ngprecautionary hold departure order laban kay Ongpin at inaatasan ang Bureau of Immigration (BI) na harangin ito kapag magtangkang lumabas ng bansa.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Matatandaang nahulihan si Ongpin ng 12.6 gramo ng cocaine sa loob ng isang hotel room sa La Union nitong Setyembre 18, ang araw kung saan natagpuan binawian ng buhay ang umano'y kasintahan nito na visual artist Breana "Bree" Jonson.

Nauna nang inihayagni Ongpin na nagpakamatay si Jonson sa loob ng banyo.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, natuklasan kapwa nagpositibo sina Ongpin at Jonson sa paggamit ng cocaine.

PNA