WELLINGTON-- Nakapagtala ang New Zealand ng 60 na panibagong kaso ng Delta variant sa komunidad nitong Lunes, sanhi upang umabot sa 2,005 ang kaso ng community outbreak ng virus.

57 ang bagong impeksyon na naitala sa malaking siyudad ng Auckland at tatlo naman sa Waikato, ayon sa Ministry of Health.

Nasa 30 community cases ang ginagamot sa mga ospital, kabilang ang limang nasa intensive care units (ICUs) o high dependency units (HDUs), ayon sa pahayag ng ministry.

Umabot sa 4,696 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa New Zealand simula ng magkaroon ng pandemya, ayon sa health ministry.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Xinhua