Pinag-uusapan ngayon ang mga rubber shoes na 'Air Binay 3.0' na ibinebenta umano sa isang mall sa Saudi Arabia.

Ayon sa Facebook post ni Glenn Maglacion Arguelles Morfe, naispatan ang mga naturang sapatos na libreng ipinamimigay sa mga estudyante ng Makati City. May presyo ang bawat pares na 24 SR (Saudi Riyal) o katumbas ng 325 piso sa Pilipinas.

"AIR BINAY 2.0. Libreng pamigay sa lungsod ng Makati ang sapatos na ito, bakit napunta sa Saudi? Ibinebenta na rito.

Ito sana ang pambibigay doon sa mga bata na masipag mag-aral na walang kakayahang makabili ng sapatos," ayon sa caption.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

May be an image of footwear
Glenn Maglacion Arguelles Morfe (Larawan mula sa FB)

May be an image of footwear
Glenn Maglacion Arguelles Morfe (Larawan mula sa FB)

Agad namang nagbigay ng opisyal na pahayag at babala ang lokal na pamahalaan ng Makati sa sinumang mga indibidwal na magbebenta ng mga ganitong bagay na libre lamang kung tutuusin. Itinanggi nila na may kinalaman sila rito.

"A certain mall in Saudi Arabia is selling rubber shoes that resemble AB 3.0 - this is not in any way related to the city government of Makati and DepEd Makati," ayon sa caption ng kanilang opisyal na pahayag.

"We warn individuals and groups that there are legal actions in the unauthorized use of Makati City seal, as we commit to serve the #ProudMakatizens with transparency. #SafeMakati."