Ibinahagi ng television host na si Iya Villania nitong Linggo, Oktubre 17 sa kanyang Instagram ang hindi inaasahang pamamaga sa ibabang bahagi ng ilong ng panganay na si Primo.

Bilang paaala sa kapwa magulang, kalakip ang larawan, nagbahagi si Iya sa netizens sa naging karanasan ng anak na si Primo matapos masanayan nitong magpunas ng ilong.

“Drew and I never thought this could happen from wiping your nose so much,” pagsisimula ni Iya.

“Primo had the sniffles and so being the big boy he is, he would go ahead and wipe his nose,” dagdag ni Iya.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Kadalasan pang gamit ni Primo sa pagpupunas ng kanyang ilong ang “saline wipes” at minsa’y dry facial tissue. Dahil dito, namaga ang ibabang bahagi ng ilong ni Primo.

“He wiped so much that eventually the area around his nose got so red and inflamed,” pagbabahagi ni Iya.

Kalauna’y nalaman na “cellulitis” ang tawag sa kondisyon ni Primo at ayon pa sa doktor, maaaring naisugod sa ospital ang bata kung naging banta ang inpeksyon sa utak.

Ayon sa WebMD, karaniwang inpeksyon sa balat at soft tissues ang cellulitis. Nakukuha ito kapag ang bacteria ay nakapasok sa balat ng tao at kalauna’y kumalat. Pamamaga, pamumula at pananakit sa apektadong bahagi ang resulta ng inpeksyon.

Sa huli, nagbigay ng “heads up” si Iya sa kapwa magulang na maging maingat pa rin sa mga kagayang sitwasyon habang hinahayaang matuto ang mga anak sa kanilang sariling pamamaraan.

[“I] just wanted to give the mamas and papas a heads up coz as much as we want our children to learn to be independent, we never want to see them in a situation like this. I know… it’s a hard mix,” sabi ni Iya.

Samantala, patuloy na gumagaling si Primo ayon kay Iya.

Larawan mula sa Instagram ni Iya Villania-Arellano

Si Primo Arellano ang panganay na anak ng parehong television host couple na sina Iya Villania at Drew Arellano.