Inireklamo sa Office of the Ombudsman si Quezon Governor Danilo Suarez kaugnay ng umano'y pagpapadukot sa kaanak ng isang biktima ng pangingidnap at panggagahasa ng isang konsehal ng Quezon, kamakailan.
Sa kanyang complaint-affidavit na isinampa nito sa Ombudsman, binanggit ni Anamarie Santiago, tiyahin ni Irish (hindi tunay na pangalan), ang umano'y kinidnap, ikinulong at paulit-ulit na ginahasa ni Lopez, Quezon Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde sa isang hotel sa Rosales, Pangasinan noong Abril 17-22,naipinadukotsiyang gobernador sa tatlong bodyguard nito sa nirerentahan nilangbahay sa Malabon City, noong madaling araw ng Setyembre 22.
Isinagawa ni Santiago ang pagsasampa ng kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention, Grave Coercion, paglabag sa Republic Act 9262 at paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) laban kay Suarez, sa tulong na rin ng anti-crime group naCitizens Movement Against Corruption, Crime, Illegal Drugs and Gambling, Incorporated.
Bukod sa kasong kriminal, inireklamo rin niya si Suarez ng kasong administratibo na kinabibilangan ng Grave Abuse of Authority, Grave Misconduct, Dishonesty, Oppression, at paglabag sa Republic Act 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees).
Sa sinumpaang salaysay nito, kaya umano siya ipinadukot ng gobernador upang samahan ang anak nito na si Atty. Joana Suarez sa bahay ng biktima at pinsang si Rose Rosario Tapiador sa Pasig City upang suhulan at aregluhin ang mga kasong kinakaharap ni Yulde.
Bago aniya sila nagtungo sa Pasig City, kinausap muna ito ng gobernador na tulungan sila sa kaso ni Yulde dahil ang nasabing konsehal ang ginamit nito sa pagsasampa ng kaso sa Ombudsman laban sa isang opisyal.
Sa bahay aniya ni Tapiador sa Pasig, hindi umano pumayag ang biktima sa alok ni Suarez (Joana) na aregluhin na lamang ang kaso ng ₱3 milyon dahil nais aniya ng mag-ina na mabigyan ng hustisya ang ginawa ni Yulde.