Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko nitong Lunes, Oktubre 18 na patuloy itong mamamahagi ng tulong sa mga lugar na nakasailalim sa granular lockdown kasunod ng nasa 48,000 family food packs (FFPs) inilabas ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila bilang dagdag na tulong.

Nagpahayag ang DSWD sa kahandaan nitong patuloy na maging katuwang ng mga LGUs sa National Capital Region (NCR).

Mula Oktubre 14, nakapaglabas na ang DSWD ng kabuuang 47,875 FFPs sa mga lungsod sa Metro Manila na nagkakahalaga ng P29 milyon.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 11, series of 2021, ang pamamahagi ng ayuda sa mga apektadong pamilya ay pagtutulungan ng DSWD at ng mga LGU.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nakasaad din sa circular, ang mga apektado ng granular lockdwdown ay makakaasang makatatanggap na food packs mula sa lokal na pamahalaan sa unang pitong araw habang  dadagdagan ito ng DSWD sa pangwalo at mga kasunod na araw ng quarantine.

Inisyal na nakahandang ipamahagi ang nasa 15,500 FFPs sa 16 na LGU sa Metro Manila.

Dagdag na 32,375 food packs din ang naihatid sa walong LGUs na pormal na humingi ng tulong sa ahensya.

Kabilang sa mga natakatanggap sa ayuda ang mga lungsod ng Caloocan, Makati, Mandaluyong, Manila, Paranaque, Pasay, Quezon, San Juan at munisipyo ng Pateros.

Ayon sa DSWD, patuloy na makatatanggap ng suporta ang mga LGUs habang nasa 750 na lugar sa NCR ang kasalukuyang nasa ilalim ng granular lockdown.

Charissa Lucci Atienza