Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang Zamboanga Peninsula na lamang ang nag-iisang rehiyon sa bansa na nananatiling high risk pa rin sa COVID-19.

“Most regions are showing negative two-week growth rates. However, majority remain with high-risk average daily attack rates (ADAR),” ayon kay Vergeire, sa isang media forum nitong Lunes.

“Region 9 is the sole region with high-risk case classification,” aniya pa.

Batay sa datos, nabatid na ang Zamboanga Peninsula ay mayroon pang 3,099 active COVID-19 cases.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang kasalukuyang ADAR nito per 100,000 population ay tumaas pa sa 9.24 mula sa dating 9.23 noong Oktubre 3.

Samantala, hanggang nitong Oktubre 16, ang hospital bed utilization sa rehiyon ay nasa 70.29% habang ang utilization rate ng mechanical ventilators ay nasa 61.11% at 54.02% naman ang intensive care units (ICU) utilization rate.

Nabatid na sa kabuuan, ang Pilipinas ay nasa ilalim na ngayon ng moderate risk classification.

Nasa moderate rin naman ang risk classification ng mga rehiyon ng National Capital Region (NCR), Cordillera Autonomous Region (CAR), at Regions 2, 1, 4B, 11, at 4A.

Nasa low risk classification naman ang CARAGA gayundin ang Regions 3, 6, 5, 12, 7, 10, at 8 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Mary Ann Santiago