Inaresto ng operatiba ng Manila Police District (MPD) ang Isang 31-anyos na babae ang inakusahang lumabag sa anti-child abuse at anti-rape laws nitong Linggo, Oktubre 17 sa Calauan, Laguna.

Ayon sa mga pulis, ang suspek na si Joyce Tolentino Garbo, residente ng Paco, Maynila ay inaresto ng MPD team na pinangunahan nina Police Lt. Veronica Apresurado at Police Lt. Col. Evangeline Cabayan.

Inaresto so Garbo sa pamamagitan ng isang arrest warrant na inisyu ni Judge Bajarias-Hermogeo sa paglabag sa Republic Act (RA) 7610, Article III, Section 5 (Child Prostitution and Other Sexual Abuse) at RA 8353, Article 266-A, Section 2 (The Anti-Rape Law).

Nasa ilalim na ngayon ng custodiya ng Ermita Police Station 5 si Garbo. Walang piyansa ang kanyang kaso.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Seth Cabanban