Kamakailan lamang ay maraming naintriga sa cryptic tweet ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano hinggil sa 'major decisions' na nakatakda niyang gawin, kaya humihingi siya ng dasal sa kaniyang mga followers.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/16/gary-valenciano-humihingi-ng-dasal-para-sa-major-decisions/">https://balita.net.ph/2021/10/16/gary-valenciano-humihingi-ng-dasal-para-sa-major-decisions/

Dahil hindi naman nag-follow up ng paliwanag si Gary V, iba't ibang espekulasyon ang nabuo ng mga Maritess na tambay sa online world: sabi ng marami, baka lilipat na siya sa ibang network, o kaya naman ay papasok na sa politika. Ang iba naman, baka magpapahinga na raw siya sa showbiz dahil sa kaniyang health condition dulot ng diabetes.

Kaya naman, binasag na ng kaniyang misis na si Angeli Pangilinan, na isa ring talent manager, ang kaniyang katahimikan, sa ibig sabihin ng naturang tweet ni Gary. Nilinaw niya na 'personal' decision ang tinutukoy ng mister at hindi 'professional'.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Pure gossip. Where did you get that? He had to make a personal decision not a professional decision. People speculated. Rest assured he will remain in @ASAPOfficial. We respect the decisions of others to move but he is not led to do so," tweet ni Angeli nitong Lunes, Oktubre 18.

Angeli Pangilinan (Larawan mula sa Twitter)

Nilinaw niya na hindi lilipat ng network o papasok sa politika ang mister.

"I was amused & touched that many speculated & assumed he was leaving ABS. It was a private decision he had to make. And no he is not going into politics!"

Hindi umano naging option ni Gary ang paglisan sa Kapamilya Network, dahil naging mabuti umano ito sa kaniya sa loob ng 18 tao, batay na rin sa pahayag ng singer, nang mag-renew ito ng kontrata noong Pebrero, sa 'Kapamilya Strong' contract renewal kasama nina Arjo Atayde, Donny Pangilinan, Francine Diaz, Kim Chiu, at iba pa.

"For the last 18 years (Valenciano) has been part of the Kapamilya network. They have treated him well & saw us thru his medical crisis, even giving him 'World of Dance' after the bypass/cancer challenge. Don’t worry everyone. It was never considered."

Angeli Pangilinan (Larawan mula sa Twitter)

"For those who have prayed with us and for him we want to thank you. It touched us deeply that hundreds perhaps thousands prayed for him. Maraming salamat sa inyong lahat. Naramdaman namin ang pagmamahal ninyo at lungkot. Huwag kayong mag-alala. Mananatili siyang Kapamilya," dagdag pa niya.