Hindi pa rin tumitigil sa pag-aalburoto ang Taal Volcano matapos maitala ang 28 pang pagyanig nito sa nakalipas na 24 oras.
Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Oktubre 18, ang nasabing pagyanig ay tumagal ng mula dalawa hanggang limang minuto.
Nasubaybayan din ng Phivolcs ang tumitinding pagtaasng mainit na volcanic fluids sa lawa nito na lumikha ng usok na hanggang 1,800 metrong taas.
Umabot din sa 11,432 tonelada ang sulfur emission ng bulkan nitong Linggo, Oktubre 17 at ang pinakamatindi ay naitalang25,456 tonelada nitong Oktubre 5.
“Based on ground deformation parameters from electronic tilt, continuous GPS and InSAR monitoring, Taal Volcano Island has begun inflating in August 2021 while the Taal region continues to undergo very slow extension since 2020,” ayon sa ahensya.
Babala ng Phivolcs, nasa ilalim pa rin ng Level 2 ang alert status ng bulkan na nangangahulugang tumitindi pa rin ang magmatic degassing sa main crater nito na posibleng magresulta sa pagputok nito.
“At Alert Level 2, sudden steam- or gas-driven explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within and around TVI (Taal Volcano Island),” ayon sa Phivolcs.
Ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang pagpasok sa TVIdahil nasa permanent danger zone pa rin ito.
Ellalyn De Vera-Ruiz